Kamatayan / Tungkol sa Kamatayan (ni Sam Harris)
Sino si Sam Harris?
Si Sam Harris, isang neuroscientist, pilosopo, at may-akda ng limang best-selling books sa New York Times. Nag-aral siya ng philosophy sa Stanford University at nakakuha ng Ph.D. sa neuroscience mula sa UCLA. Pero maliban sa pagiging siyentipiko at pilosopo, nag-practice din siya ng meditation nang mahigit 30 taon—nag-aral siya kasama ang maraming gurong Tibetan, Indian, Burmese, at Western meditation traditions.
Ang trabaho ni Harris, sumasaklaw sa iba’t ibang paksa—neuroscience, moral philosophy, relihiyon, meditasyon, at kung paano ang pag-unawa natin sa sarili natin at sa mundo, binabago ang paraan ng pamumuhay natin. Siya ang gumawa ng Waking Up app—isang meditation app na nag-promote ng secular mindfulness practices. Mayroon din siyang podcast na tinatawag na Making Sense na tungkol sa mahalaga at kontrobersyal na mga tanong ng buhay.
Ang Excerpt na Ito: Tungkol sa Kamatayan
Ang excerpt na ito, galing sa isa sa mga pag-uusap ni Sam Harris tungkol sa kamatayan—isang tema na sinusubukan nating iwasan pero isa sa pinakamahalagang aspeto ng buhay na dapat nating pag-isipan.
Sa pagtalakay na ito, ipinakikita ni Harris kung paano ang kamalayan sa kamatayan—ang pag-amin na ang buhay natin, limitado at hindi permanente—maaaring maging isang magandang tool para mabuhay nang mas buong-buo, mas intentional, at mas masaya.
Hindi ito isang morbid na talakayan. Sa halip, ito ang invitation na maging mindful—na maging aware sa kasalukuyan, na magbigay ng atensyon sa mga bagay na tunay na mahalaga, at na mag-enjoy sa bawat sandali ng buhay na mayroon tayo.
Ang Kamatayan
Yung tema ay tungkol sa tema na sinusubukan nating hindi isipin.
Yung tema ay kamatayan.
At kung paano natin iniisip ang kamatayan, depende kung iniisip natin yung sarili nating kamatayan o yung mga mahal natin sa buhay na mamamatay.
Pero kahit saan natin tingnan, saang anggulo, yung kamatayan laging nandyan sa realidad natin kahit hindi natin iniisip. Laging nagpaparamdam dito sa background, sa balita, at sa mga kwento na naririnig natin sa buhay ng ibang tao, sa sarili nating kalusugan.
Kapag tumatawid tayo sa kalsada, kung o-obserbahan mong mabuti yung araw mo sa normal na araw, gumagamit ka ng enerhiya araw-araw para hindi mamatay. At ito ay napansin na ng mga pilosopo, ng mga manunulat dati pa.
Yung kamatayan, pinangwawalang bahala ang lahat ng ginagawa natin sa buhay.
Isipin mo kung paano mo ginamit yung araw mo o ano ang ginawa mo ngayong araw, yung mga klase ng bagay na binigyan mo ng oras at yung mga bagay na talagang nag-alala ka. Isipin mo yung huling argumento na meron ka kasama yung asawa mo o yung jowa mo. Isipin mo yung huling oras na ginugol mo sa social media.
Ako, noong mga ilang mga araw, marami akong oras na sinayang o ginagamit sa paghahanap ng font sa aking podcast. At literal na sobrang daming oras ang inilaan ko para dito. At kung pinigil mo ako doon sa huling apatnapu’t walong oras at tinanong mo ako kung anong ginagawa ko, kung ano ang nag-aalala o pinag-aalala ko, kung ano ang problema na sinosolusyonan ko na magdadala ng kabutihan at halaga sa mundo, yung seryosong sagot ko—naghahanap ako ng font.
At hindi ko sinasabi na kailangan lahat ng ginagawa natin sa lahat ng momento, sa lahat ng oras, ay malalim. Pero minsan kailangan mong maghanap ng font. Pero kailangan mong isipin ang kaiklian ng buhay. At isipin mo—o kailangan ilagay ang atensyon mo sa ginagawa mo.
Hindi sa kung ano ang ginagawa mo kundi sa kalidad ng atensyon habang ginagawa mo ang bagay. Kung kailangan mo ng isang oras o isang araw para maghanap ng font, sige gawin mo iyon. Pero sana nag-eenjoy ka habang ginagawa mo iyon dahil sa totoo lang, hindi natin alam kung gaano kahaba o kaikli ang buhay natin.
Halimbawa, ang road rage—ito ang pinakamagandang halimbawa ng sayang na panahon at enerhiya.
Halimbawa, nasa upuan ka ng kotse mo at mayroon nagmamaneho sa harap mo na medyo mabagal o medyo nakakainis. At magagalit ka. Magagalit ka doon sa isang drayber. At ngayon sasabihin ko sayo na kung totoo na mindful ka sa kaiklian ng buhay, sa kamatayan, na mamamatay ka, at itong isang driver ay mamamatay, at mamamatay lahat ng mahal niyo sa buhay, at hindi niyo alam kung kailan. At ngayon, ngayon mismo, meron kayo nitong magandang panahon sa buhay, magandang momento, magandang araw na conscious ka na okay ka, malusog ka. At maaraw, maganda ang panahon. O kahit umuulan—maganda pareho.
Na buhay ang asawa mo, buhay ang jowa mo, buhay ang mga anak mo. At nagmamaneho ka sa isang okay na bansa na kung saan hindi pinapatay ang mga tao at hindi diktatoryal ang bansa. At meron ka lang binili sa isang supermarket. Pero merong drayber na nakakainis. At mindful ka—sa tingin ko, hindi ka magagalit.
Ito yung buhay mo. At nag-iisang buhay na meron ka.
Hindi mo na maibabalik yung buhay na ‘to, itong oras na to. At kung iisipin mo na marami kang chance, na marami kang pagkakataon na sabihin sa mahal mo sa buhay na mahal mo sila, na mahalaga sila sa iyo, at hindi mo ginawa ‘yun at hindi mo ginagawa ‘yon.
Sana yung susunod na interaksyon mo sa isang tao ay magdadala ng konting kabutihan sa mundo. At meron kang oportunidad para ma-in-love sa eksistensya, sa mundo, kada oras araw-araw.
Bakit hindi ka magrelaks at i-enjoy ang buhay?
At kahit na mahirap ang buhay, kahit nagtatrabaho ka ng mahaba, kahit na walang kasiguraduhan ang mga bagay sa mundo.
Yung buhay, isang laro. At hindi mo alam kung ilang oras ang natitira. Pero meron kang oportunidad na laruin yung laro sa sarili mong rules. At pwede kang mag-diskubre ng sarili mong laro. At pwede mong gawing masaya ang laro. O depende sa’yo.
Literal na may kilala ako na gumagawa ng isang rocket ngayon para pumunta sa Mars at magsimula ng buhay doon. Kahit anong ginagawa mo ngayong araw, kahit ordinaryo, mararamdaman mo ang kagandahan at importansya ng buhay. At yung pagiging aware na yung kamatayan ay malapit, ay ang magandang paraan para mabuhay sa mundo.
