Ang Pinakamasamang Karanasan ng The Beatles sa Mundo: Manila, 1966
Noong 1966, ang The Beatles ang pinakasikat na banda sa buong mundo. Kahit saan sila pumunta—London, New York, Tokyo—dinudumog sila ng libu-libong tagahanga. Sumisigaw, umiiyak, naghahabol. Para silang mga diyos ng rock and roll.
Tapos, dumating sila sa Manila.
At ang nangyari sa loob ng tatlong araw na iyon—Hulyo 3 hanggang 5, 1966—naging isa sa pinakakilalang horror stories sa kasaysayan ng musika. At isang nakaka-hiya na kabanata sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang Pagdating: Masaya sa Simula
Nang lumipad ang Cathay Pacific na may dala sa The Beatles sa Manila Airport noong hapon ng Hulyo 3, ang buong bansa ay nasa estado ng excitement na halos katulad ng pagbisita ng isang president ng Amerika.
Pero kahit sa unang araw pa lang, may kakaibang vibes na. Sabi ni Ringo Starr sa Anthology: “I hated the Philippines. We arrived there with thousands and thousands of kids, with hundreds and hundreds of policemen—and it was a little dodgy. Everyone had guns.”
Pagdating nila sa airport, kinuha sila ng isang grupo at dinala sa isang yacht sa Manila Bay—na ilang oras na naghintay si Brian Epstein at ang iba sa hotel. Ayon sa ilang accounts, ito ay para sa isang party ng mga mayayamang Pilipino. Hindi ito ang arrangement na gusto nila.
Hindi na agad maganda ang simula.
Ang Concert: Record-Breaking
Noong Hulyo 4, nag-perform ang The Beatles sa Rizal Memorial Stadium. Dalawang concert—at ang kabuuang bilang ng nanood, umabot sa 80,000—ang pinakamalaking single-day audience sa buong touring career ng The Beatles.
Maganda ang concert. Matagumpay. Ang mga Pilipino, masaya. Pero habang nagpe-perform sila sa harap ng libu-libong tagahanga, may nangyayari na sa likod na hindi nila alam.
Ang Hindi Pagpunta sa Malacañang
Bago pa man dumating ang The Beatles sa Pilipinas, nag-reach out na ang Malacañang Palace. Isang imbitasyon para sa reception sa palasyo—kasama ang mga anak ng mga mataas na opisyal. Sinabi ng mga opisyal sa publicist ng banda na ito ay hindi optional: “This is not a request. We have our orders. The children who wish to meet The Beatles will assemble at eleven.”
Pero si Brian Epstein—manager ng The Beatles—ay may matagal nang patakaran: hindi sila tumatanggap ng imbitasyon sa mga embahada o pampolitikang okasyon habang nasa tour. Habang nasa Japan pa sila, dinecline na ni Epstein ang kahilingan.
Hindi personal. Patakaran lang.
Ang problema—hindi ito naiintindihan ng pamilyang Marcos. Para sa kanila, ang “hindi” ay hindi normal na sagot.
Noong umaga ng Hulyo 4, habang tulog pa ang tatlo sa The Beatles at naglalakad naman si Paul sa siyudad, pumunta si Epstein sa Malacañang at tinanggihan ang imbitasyon: “I’m not even going to ask The Beatles about this. Go back and tell these people we’re not coming.”
Ang Ganti: Isang Bansa Laban sa Isang Banda
Kinabukasan—Hulyo 5—nagising ang The Beatles sa ibang mundo.
Ang mga headline sa mga dyaryo: “BEATLES SNUB FIRST FAMILY.” “IMELDA STOOD UP: FIRST FAMILY WAITS IN VAIN FOR MOPHEADS.” Ang pahayag ng tagapagsalita ng palasyo: ang The Beatles ay “spit in the eye of the First Family.”
Sinubukan ni Epstein na mag-clarify sa television—isang live na pahayag para ipaliwanag ang nangyari. Pero habang nagsasalita siya, biglang may static. Lumaho ang kanyang boses. State-controlled ang channel—at malinaw na hindi nila gusto ang mensahe niya.
Kasabay nito, biglang naglaho ang police protection ng banda. Umalis ang mga security personnel. At ang media, patuloy na nagpapalakas ng galit ng publiko.
Sa hotel, tumanggi na ang staff na mag-room service o magdala ng kanilang mga bagahe. Kailangan nilang hanapin ng sarili nila ang taxi papunta sa airport.
Ang Airport: Ang Pinaka-Masamang Bahagi
At narito ang pinaka-nakakagulat na bahagi.
Sa airport, inutos ng airport manager na si Willy Jurado na i-shut down ang lahat ng escalators habang papalapit ang The Beatles—para sapilitang maglakad sila ng kasama yung mabigat na mga bagahe nila. Inutos din niya sa lahat ng empleyado na huwag tumulong sa kanila.
Habang papalapit na sila sa eroplano: “thugs, some in military uniform, closed in on our party from all sides. Guns were brandished and fired into the air, makeshift cudgels and coshes were waved in our faces. Brian Epstein was punched in the face and kicked in the groin. Someone shouted in English, ‘The Beatles are not special!'”
Si Jurado mismo ay nagmayabang kalaunan na siya personal na sinuntok sa mukha sina John Lennon at Ringo Starr—at na deserve nila ito.
At hindi pa tapos. Nang nakasakay na si Epstein at ang road manager na si Mal Evans sa eroplano, pinilit silang bumaba ulit. Kinailangan ni Epstein na magbayad ng £6,800—ang halos lahat ng kinita ng banda sa dalawang concert—bilang “buwis,” bago sila payagang makaalis ng bansa.
Sabi ni Paul McCartney pagkatapos: “When we got on the plane, we were all kissing the seats. It was a feeling as if we’d found sanctuary.”
Ang Katapusan ng Touring
Hindi nagtagal, naging malinaw ang epekto ng Manila sa The Beatles.
Sinabi ni George Harrison: “After the Philippines, we thought, ‘Hey, we’ve got to pack this (touring) in.'”
Ang insidente sa Manila, ngayon ay tinitingnan bilang pivotal turning point sa kwento ng The Beatles—ang sandaling nagdesisyon silang itigil ang pag-tour at mag-focus sa studio recording. Noong Agosto 29, 1966—ilang linggo lang pagkatapos ng Manila—nag-perform sila sa Candlestick Park sa San Francisco. Iyon ang huling live concert ng The Beatles. Hindi na sila muling nag-tour.
Sino ang May Kasalanan?
Hanggang ngayon, may debate kung sino talaga ang nasa likod ng nangyari.
Si Imelda Marcos mismo ay nagsabi na wala siyang kinalaman—na nang marinig niya ang nangyayari sa airport, tumakbo siya para pigilin ito. Sabi niya: “I would never dream of hurting the world’s No. 1 band. Whatever motivated the people to treat them that way was not my doing.”
Pagkatapos umalis ng The Beatles, naglabas si Presidente Marcos ng pahayag na kinikilala na hindi sinadya ng banda ang “snub”—at inanunsyo na na-lift na ang buwis sa kita nila. Pero ang pera, hindi na rin naibigay.
Kung totoo ang sinabi ni Imelda—na hindi niya ito inutos—nananatili pa rin ang katotohanan na ang mga nasa ilalim niya ay nagparamdam ng galit ng estado sa pinakasikat na banda sa mundo. Sa ilalim ng isang rehimen, ang silence ng lider ay pahintulot.
Kalaunan, sinabi ni Paul McCartney: “We must have been the only people who’d ever dared to snub Marcos.”
Ibig sabihin—alam na ng lahat kung anong uri ng pamamahala ang nasa Pilipinas noon. Pero ang The Beatles lang ang hindi sumunod.
