Sino ang mga sikat na Filipino Americans?

Nanonood ka ng isang Hollywood movie o may sinusundan kang sports. O kaya, may kanta kang paulit-ulit na pinapakinggan. Tapos biglang malalaman mo—”Ay, may dugong Pilipino pala siya!”

Narito ang ilan sa mga pinaka-kilalang personalidad na may koneksyon sa Pilipinas—mga nagbibigay ng Pinoy pride sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Musika

Nicole Scherzinger—ang boses sa likod ng “Don’t Cha” at “Buttons”—ay may dugong Pilipino mula sa ama niya. Bilang lead singer ng Pussycat Dolls, naging isa siya sa pinakakilalang face ng pop music noong 2000s. Pagkatapos ng grupo, naging successful siya bilang solo artist at naging judge sa iba’t ibang singing competition, kasama na ang The X Factor. Kahit lumaki sa Amerika, hindi niya kinalimutan ang roots niya.

Kung si Nicole ang boses ng 2000s, si Bruno Mars naman ang boses ng kahit anong panahon. Ipinanganak bilang Peter Gene Hernandez sa Hawaii, ang ina niya—si Bernadette San Pedro Bayot—ay isang Pilipina at naging dancer. Sa pamamagitan ng kanta niya, mula “Just The Way You Are” hanggang “Uptown Funk,” naipamalas niya na ang pinaka-versatile na artist ng henerasyong ito ay may dugong Pilipino. At syempre—mahilig pa siya sa Spam.

At kung pag-uusapan ang hip-hop, walang mas iconic kaysa sa apl.de.ap—si Allan Pineda Lindo mula sa Sapang Bato, Angeles City, Pampanga. Miyembro siya ng Black Eyed Peas, isa sa pinaka-successful na group sa kasaysayan ng pop music. Sa murang edad na 14, umalis siya sa Pampanga para sa eye treatment sa Amerika at doon na siya nanatili. Sa kabila ng tagumpay, hindi niya kinalimutan kung saan siya nanggaling—gumawa siya ng kanta para sa Pilipinas, ang “Bebot”, na puno ng Tagalog lyrics at pag-celebrate ng Pinoy culture. Aktibo rin siya sa pagbibigay ng scholarship sa mga kabataan sa Pilipinas.

Fashion

Kapag nakita mo ang mga artista sa Hollywood na nakagown—malaking tsansa na gawa iyon ni Monique Lhuillier.

Ipinanganak sa Cebu City, nag-aral sa Switzerland, at lumipat sa Los Angeles noong 1996 para sundin ang pangarap niya sa fashion. Mabilis siyang naging paborito ng mga A-list celebrities. Ang mga gown niya ay isinusuot nina Taylor Swift, Gwyneth Paltrow, at Michelle Obama—at ang pangalan niya ay naging synonymous sa elegance at craftsmanship sa global fashion industry.

Komedya at Pelikula

Jo Koy—o si Joseph Glenn Herbert Sr.—ang comedian na ginawa niyang proud ang buong Pilipinas sa pinaka-public na paraan. Noong Enero 2024, naging unang Asian American man na nag-host ng Golden Globe Awards—isa sa pinakamalaking awards show sa Hollywood. Nang matanggap niya ang trabaho, sinabi niya nang buong pagmamalaki: “This is that moment where I get to make my Filipino family proud.” Controversial ang reception ng monologue niya—binigyan siya ng napakaikli na panahon para maghanda—pero ang katotohanang nakarating siya roon bilang isang Fil-Am comedian? Malaking deal iyon.

Kilala siya sa kanyang Netflix specials tulad ng “Live from Seattle” at “In His Elements”, at sa pelikulang “Easter Sunday” na nakasentro sa karanasan ng isang Fil-Am family. Dahil kay Jo Koy, mas nakilala ng mundo ang mga quirks ng Pilipinong kultura—lalo na ang ating mga nanay.

Si Vanessa Hudgens naman ay lumaki sa harap ng camera bilang Gabriella Montez sa High School Musical—isa sa pinakamalaking franchise ng Disney noong 2000s. Ang ina niya, si Gina Guangco, ay isang Pilipina. Ipinagmamalaki ni Vanessa ang heritage niya at bukas siyang nagkukwento tungkol sa pagkain niya ng halo-halo, adobo, at pansit pagkakataon-pagkakataon.

At kung gusto mo ng mas recent na Pilipino na pumutok sa Hollywood—nandito si Manny Jacinto. Ipinanganak sa Manila at lumipat sa Canada sa murang edad, sumikat siya bilang Jason Mendoza sa comedy series na The Good Place. Pero ang pinaka-malaking breakthrough niya? Naging Sith Lord Qimir siya sa Star Wars series na The Acolyte sa Disney+ noong 2024—isang lead role sa isa sa pinakamalaking franchise sa mundo. Noong 2025, nakita naman siya bilang leading man sa Freakier Friday kasama si Lindsay Lohan at Jamie Lee Curtis. Mabilis na lumalaki ang career niya, at aktibo siyang nagtatrabaho kasama ang mga Filipino writers at producers para makagawa ng proyekto na may Pinoy perspective.

Performing Arts

Hindi siya Filipino American—purong Pilipino siya—pero imposibleng pag-usapan ang Pinoy pride sa world stage nang hindi binabanggit si Lea Salonga.

Ipinanganak sa Manila at lumaki sa Angeles City, Pampanga, naging Kim siya sa Broadway at West End musical na Miss Saigon at nanalo ng Tony Award—ang pinaka-prestihiyosong parangal sa theater. Hindi lang iyon: ang boses niya ang nasa likod ng dalawang Disney Princess—Jasmine sa Aladdin at Mulan. Sa bawat kanta niya sa stage o screen, pinapatunayan ni Lea na ang galing ng Pilipino ay world-class.

Tech

Bago pa man naging obsesyon ang lahat sa Instagram at TikTok, may isa nang Pilipina na binago ang paraan ng pagbabahagi ng larawan online.

Si Katrina Fake, na may dugong Pilipino mula sa ina niya, ay co-founder ng Flickr—isa sa mga unang major photo-sharing platforms sa internet. Sa panahon na wala pa ang Instagram, si Katrina at ang Flickr ang nag-define kung paano nagkukwento ang mga tao sa pamamagitan ng mga larawan online.

May mga iba pa bukod sa mga nabanggit. May mga Pilipino at Filipino American na patuloy na sumikat sa sports, pulitika, sining, at siyensya.

Similar Posts